Oo..
Marami nang mga taong dumating sa buhay natin..
May mga taong inilapit ang Lord sa atin para may matutunan tayo..
May mga taong nanatili at naging kaibigan mo..
Merong mga umaalis din agad.
Meron nga mga napapadaan lang eh..
at minsan isa ka rin sa kanila..
Lahat sila magbibigay ng kulay sa buhay mo..
Yung iba pasasayahin kita,.. Yung iba pasasakitin ang ulo mo..
Yung iba iinisin ka naman..
at meron pang iba na magbibigay ng ngiti sa iyong labi..
Yung tipong masaya ka at kuntento ka na kapag siya o sila ang kasama mo..
Madalas, sila rin yung mga tipo ng tao na mahirap kalimutan sa buhay natin..
Pa'no ba naman, sa dami ng pinagsamahan ninyo.
Sa bawat araw na kayo lang ang magkasama..
Buong araw siya ang katext mo, at buong magdamag siya ang kausap mo..
Pag kasama mo 'tong tao na 'to eh kala mo wala ng bukas para sa inyong dalawa..
Yung para bang last chance mo na siyang makakasama...
at dahil sa araw- araw niyo ginagawa 'tong mga bagay na 'to..
Unti -unti..
nasasanay kayo sa isa't-isa..
Nasasanay ka na na siya lagi o sila lagi ang kasama mo..
na siya/ sila ang katext mo.., ang kaharutan mo..
Parang sanay ka na na siya/ sila yung natatakbuhan mo kapag malungkot ka..
Kaya lang habang tumatagal ang panahon ng pagsasama ninyo..
Parang nagiging matumal na..
parang nagiging buko shake na pinagsawaan yung lasa..
Asan na ? asan na yung tamis ng ngiti nung magkasama pa kayo?
Asan na yung masasayang araw na pinagsaluhan ninyo?
Lumipas pa ang araw..
Lumipas ng lumipas at hanggang sa taon na ang dinaan..
Parang hindi na kayo magkakilala..
parang walang nag.ugnay sa inyo sa nakaraan..
Parang nakalimutan na lahat ng pinagdaanan..
Alam mo yung ang pinaka masakit na nararanasan siguro ng ibang tao..
Yung parang naitapon lang lahat sa basurahan..
yun bang parang walang halaga..
Minsan nga nagtatanong ako..
bakit? Bakit pa kaya sila yung dumating..
Bakit kung dumating sila , aalis din naman..?
Minsan kasi sila yung tao na mahirap alisin sa puso at sa isip natin..
Kung baga.. nakatatak na.. sealed and safe na..
Tapos kung sino pa yung tinabi mo sa puso mo.. sila pa yung nawala..
Kung sino pa yung pinaka kailangan mo sa buhay mo , sila pa yung umalis..
Nakakalungkot na lang isipin na marami sa atin ang ganito..
Wala ng pagpapahalaga..
pero.. isa lang masasabi ko..
Hindi ako ganun, :D
Tinatamad na ko saka na ulit..
Byeeiii!
Godbles..
No comments:
Post a Comment