Tuesday, February 5, 2013

Eto yun dati..^___,^

Nung bata 'pa ko, sabi ng nanay ko 3 years old pa lang ako kumakanta na daw ako.. 
Haha.. siguro?? kasi nakikita naman ngayon ;D
Pero nung bata ako, pangarap ko talaga magin isang
TEACHER.
Gustong gusto ko na nagtuturo ako lalo na sa mga kalaro ko.. Hehe.. kahit magkakaedad pa lang kami..
Hanggang sa nag High School ako.. Kahit nung college nga ako naging sub. professor ako ng mga kaklase ko kasi wala yung prof. eh..
Ewan ko ba kung bakit hindi na grant ang wish ko noon na maging teacher.. siguro hindi lang talaga para sa akin yun..
Kasi bago ko nag.graduate ng high school nagkaroon kami ng bonding ng mga teachers ko.. ( puro teachers talaga friends ko nung High School, dakilang loner kaya ako!)
Yun dun nila sinabi na wag daw ako mag titser kasi panget daw yung bayad tapos lagi kayong mag.rarally sa GSIS kasi bitin lagi yung sahod niyo.. ewan ko parang ganun yung sinabi sakin di ko na masyadong matandaan.

Tapos nung natuto kong maggitara? siguro mga 2nd Year high school pa lang ako noon..
nangarap ako na maging ROCKSTAR!! haha :D yung tipong mga Avril Lavigne..haha LUPET!!
nadagdag yun sa pangarap ko.. (TEACHER NA ROCKSTAR??!!!) 
Napu-pursue ko naman :D
Actually nung  may program sa school, Teachers day ata yun..
Nakuha ako para kumanta at tumugtog.. Dreams do come true nga drama ko nun eh haha
kaya lang after nun, nawala selpon ko.. haha :D
Iyak-iyak ako nun eh, sabi ko pa sa pinsan ko, "wag ka maingay papagalitan ako nila nanay pag nalaman nila"..
Walang hiya nagulat ako nasa iskul na nanay ko.. haha !!

Tapos yun naging okay naman lahat..

Pagkagraduate ko nung High School, Naging course ko Computer Programming..
O diba ang layo sa pangarap ko!
( Mahal kasi sa Music School baka nga-nga nalang kami pag dun ako nag.aral) 
pero okay lang kasi masaya naman marami akong natutunan, di naman kasi ako
yung tipo na tamad mag.aral at nagsasayang lang ng pera ng mga magulang ko.. 
Ang bait ko kaya,, i'm an angel!
Isa yun sa naging dahilan kung bakit ako nangarap maging isang.....
HACKER!!  yung malulupit na gumagawa ng programs..
yung nanghahack ng mga websites..
May mga natutunan din naman ako sa panghahack nun.. salamat sa klasmeyt at sa kaibigan kong 
nagturo sa akin nun.. hehehe.! Kaya lang parang tinamad ako, balik ulit sa rockstar.. :D

Tapos siguro midyear na nun.. binobola ko ng magagaling kong kaklase pwede daw ako magmodel.. WHAAATTT!!!! :D
hahaha.. aba, aba... kinagat ko naman.. haha!
Yun, dun ako nag.umpisa na mangarap na balang araw ako ay magiging isang
MODEL!!  pak! haha photo shoot dito photoshoot doon.. kahit saan nalang..!
Nung time na nagkaproject kami sa isang subject namin, Pictorial daw..
pambihira naman talaga oo.. ang pagkakataon ay lumalapit sa akin..
at isa ako sa mga naging model ng damit.. formal attire..


DREAMS DO COME TRUE TALAGA!!!

Kaya lang narealize ko, wala akong budget para sa magagandang damit..(dati)
kaya itinigil ko nalang.. haha!

At yun nga.. bumalik ako sa pagiging rockstar... :D 
eto talagang sineryoso ko na..
inimprove ko yung sarili ko sa pagplay ng guitar and keyboards..
(salamat sa nagregalo sa akin nun haha )
Tumutugtog kami ng mga kapatid ko..
Rehearse din pag may time..

Narealize ko siguro nga yung buhay ko para sa music talaga..
At mas lalo kong napatunayan yun nung makilala ko ang Lord..

Dun mas gumaling ako sa pag.awit..though hindi ako nagagalingan sa sarili ko kahit nananalo ako sa mga contest.. ewan ko ba feeling ko nun wala akong ibubuga sa mga ibang marunong kumanta..

Hindi ko pala kailangan manalo ng kontest at makipaglaban ng boses sa mga mang.aawit at sa marunong umawit..

Kailangan ko puso at passion..

Kaya naging passion ko na ang pag.awit.. pagtugtog ng mga instrumento at paglikha ng mga awit..

Ngayon, eto ko..
Nasa opisina.. type ng type ng type..
pag tinamad.. gagawa ng kanta..




Gusto ko ipagpatuloy ang ganito..
pero mas maganda kung nasa piling ako ni Lord..
Umaawit at Gumagawa ng awitin para sa Kanya..
Tumutugtog at patuloy na nag.aaral para sa Kanya..


I love you Jesus!
Salamat sa'yo :)


1 comment:

  1. hAi saii ... palagay ko bagay kang maging writer ^_^ hAha .
    prang nka relate nman ako dun s part na "type ng type ng type" haha LOL:)


    pero sabi nga dba ..


    kya mniwala lang tau sa kanya at tiyak matutupad ang mga pangarap natin !!!
    ~> oK un lang►MORE POWER SA BLOG MO AND GOD BLESS◄

    ReplyDelete