Sunday, February 10, 2013

Fr. Ptr. Ed Lapiz

Ikaw ay parang barko.Umaalis sa pier 1 para pumunta sa pier 2.
Habang papalayo ka sa pier1 Papaliit ng papaliit ang mga tao at mga bagay na iniwan mo doon. Pwede kang lumungkot, kasi naman doon ka sa iniwan mo nakatingin at nakatalikod ka sa pupuntahan mo.



Baligtarin mo.

Humarap sa direksyong pupuntahan. Pansinin: ang mga tao at bagay na naghihintay sa'yo ay papalaki ng papalaki habang lumalapit ka. Pwede itong magpasaya sayo.


Sa paglalakbay, may nagpapasaya at nagpapalungkot. Piliin kung sang direksyon ka haharap.
Piliin kung ang titignan ay yung papalayo na papaliit o yung papalapit na papalaki.


Lalo na kung hindi naman maiwasang umalis at lumayo, bawasan na lang ang drama.
Dun muna humarap sa pupuntahan para hindi mabaliw sa lungkot.
Limutin muna-- kahit sandali ang mga iniwan.

"Better by far you should forget and smile than you should remember and be so sad. "

No comments:

Post a Comment