Hi everyone!
I'm here again to share some tips and advices on how to move on.
I'd like to tell you first that i'm not a broken hearted person :)
I just want to help those who's hearts are suffering ..
So let's start..
Cry out all your tears.
Iiyak mo hanggang sa masimot lahat ng luha mo. tandaan mo hindi masamang umiyak kapag nasasaktan kan na..
Hindi masamang ilabas lahat ng pait at sakit na dinulot ng nakaraan.
Kung yun yung paraan para maibsan lahat ng sakit na nararamdaman mo why not?
Ang mahalaga kailangan habang dumarating ang araw pabawas ng pabawas ang luhang lumalabas sa iyong mata at ang sakit ng kahapon na dinulot sa'yo ng minamahal mo.. okey?
Tumanggap.
Mahirap makamove on ang isang tao kung hindi siya marunong tumanggap.
Hindi mo matanggap na wala na.
Hindi mo matanggap na wala na kayo.
Hindi mo matanggap na tapos na ang lahat..
Alam mo ang unang hakbang para muli kang sumaya eh, kailangan mo lang tanggapin lahat ng sakit na binigay sa'yo ng nakaraan.
Forget.
Forget? Gaano ba kadali para sa atin to?
F.O.R.G.E.T? tapos erase na?
hindi.. walang taong nakakalimot.. natuto lang silang tumanggap ng realidad sa buhay nila..
na wala na talaga.. walang patutunguhan kung ano man ang inaasahan o hinihintay nila..
Mahirap kalimutan yung mga taong nagbigay ng alaala sa buhay natin..
lalo na yung nagpangiti at nagpabago ng buhay natin.diba?
Wag kang magfeeling Loner!
Maraming tao sa Pilipinas, Maraming tao sa mundo..
Hindi ka nag.iisa.. Marami ring katulad mo pero hindi sila nag mumukmok.
Mas lalo ka lang malulungkot pag. mag -isa ka
Mas lalo mo lang mararamdaman yung sakit at lahat ng alaala
Gain more friends!
Hindi yung magmumukmok ka lang sa tabi,
Hindi yung magmomoment ka dyan sa sulok.
Hindi porket hiniwalayan ka ng mahal mo o iniwan ka niya eh katapusan ng ng
mundo.
Hindi.. hindi lang siguro siya ang nilaan ng Lord para sa'yo..
May kanya kanyang itinakda ang Diyos para sa atin lahat tandaan mo yan.
Burahin lahat ng alalala ng minamahal.
Idelete mo number niya ( kahit kabisado mo naman)
Burahin o block mo siya sa facebook ( kahit alam mo lahat ng pw niya)
Hindi.. mas lalo ka lang magiging emo niyan.
Mas lalo ka lang iiyak..
Siguro kahit gaano kasakit yung ginawa niya sa'yo
Kapag tinanggap mo lahat ng nangyari, malilimutan mo rin yun..
Kahit pa sabihin natin na ang pinakamahirap kalimutan sa lahat ay ang mga alaala.
Nasa atin lang din naman kasi kung gusto nating kalimutan ang isang tao eh..
siguro gagawin mo lang yun kapag napagod ka na sa kakaiyak at kakamukmok dyan.
Give time to yourself..
Nung kayo pa halos lahat ng oras na sa kanya.
Lahat ng atensyon nasa kanya..
Lahat ng pagmamahal, Lahat ng pera (:D)
Bigyan mo naman ng oras ang sarili mo para maging masaya.
Magmalling ka mag.isa, Magconcert ka sa loob ng VIP Room walang mangingialam sa'yo..
Magstarcity ka ! mas masaya yun.
At higit sa lahat, mahalin mo yung sarili mo.
Lalo na dun sa mga taong binuhos lahat
ng pagmamahal sa minamahal nila. eto na yung chance mo para mahalin at marealize kung gaano kahalaga yung sarili mo..
( Hug mo na sarili mo , dali)
Don't ever think na End of the world na.
sa Nostradamaus nga di bumenta ikaw pa kaya.
Pero alam mo kasi lahat ng nasasaktan ganun talaga.. Iniisip nila na wala ng bukas.
Kaya lang paggising mo bukas meron pala, kasi gumising ka eh.
Patunay lang yan na may bukas pa..
hindi naman talaga kailangan madaliin ang paglimot sa isang tao.
Kailangan lang panahon..
Pero magagawa mo lang yun kung hindi mo inuubos sa taong yun yung panahon mo. Kaya ka binibigyan ng isang panibagong araw para maging mabuti..
Para baguhin yung sarili mo..
Kunyari eto ka, gumising ka.. isaisip mong kailangan mong maging mabuti ngayon.
Tapos kinabukasan, Gumising ka nanaman, Pambihira!
Ibig sabihin lang niyan.. habang tumatagal ang panahon may pag.asa kang malimutan siya.
May pag.asa kang makapagsimula ng bagong buhay na wala na siya.
Lahat ng nangyayari may dahilan :)
Kung nagkahiwalay man kayo, may dahilan..
Kaya siguro kayo naghiwalay kasi si Coco Martin o Si Marian Rivera ang para sayo :)
O diba, Kaya mag.move on kana.. hahaha :)
Dont ever forget to have some smile :)
Trust me everythings gonna be alright.
Basta mag.pray ka lang lagi at don't forget na may isang Tao na hindi tayo iiwan kailan man :)
Ang Lord.
Sana nakatulong ako sa inyo :)
Maraming salamat! B.A.B.A.Y!
No comments:
Post a Comment