Friday, June 21, 2013

Paalam.

Di ko alam kung bakit bigla ko na lang naisip yung title nito. Ang mahalaga may title. Hehehe.
Naisip ko lang ulit.. ( mahilig talaga ako mag-isip ), Bakit kaya sa dalawang taong nagmamahalan kailangan may isang nagpapaalam? Hindi ko naman nilalahat, yung mga naghihiwalay lang okay?
Ibig kong sabihin, bakit nga ba minsan humahantong sa hiwalayan ang lahat?


Meron akong mga alam na dahilan at ang ilan sa mga ito ay:

Di pagkakaintindihan. Kadalasan sa mga magkasintahan kasi hindi magkaintindihan. Yung tipong nag-aaway na nga nagsusumbatan pa. Kung pwede nga lang silang dalawa magsuntukan eh ginawa na nila.
Mahirap kapag may karelasyon kang hindi marunong umintindi/umunawa. Napakahirap. Sa isang relasyon naman kasi dapat talagang buo ang tiwala niyo sa isa't - isa, Unless, hindi mo talaga siya mahal.

Pride.  Pride Chicken. Ito yung pritong manok diba? Sa sobrang hilig ng magkarelasyon kakakain ng pride chicken, inaapply na rin nila sa ugali nila. Sana kung ma-pride yung isa sana unawain na lang ng isa di ba?
Mahirap kasi yung nasa isang relasyon ka tapos nagpapataasan kayo ng pride. Walang mangyayari sa buhay niyo, sinasabi ko sa inyo.

Selos.  Natural lang sa tao yung magselos pero kung yung pagseselos mo eh sobra na, aba! kakaltukan na kita. Hindi maganda sa isang relasyon yung nagseselos. Love is all about TRUST. Paano magkakaroon ng magandang outcome yung relasyon ninyo kung hindi niyo lang rin naman kayang pagtiwalaan ang isa't isa. Kung yung isa eh lalabas lang para magtrabaho pero ang takbo ng isip mo magkikita sila ng babae niya kahit wala naman. Wew! Lupet mo pre! Ikaw na! Pero may mga nagsasabi na kung sino pa daw yung sobrang maghinala yung pa daw yung may ginagawa. Ewan ko, pero tingin ko hindi naman ganun yun. Nasa tao pa rin yon.
 Third party. Sa lahat ng party, ito naman yung nakakagigil. eto yung party na parang masarap manggulpi.
Bakit nga kasi may mga tao na may karelasyon na nga, mahilig pang sumali. Ang pagiging magkasintahan hanggang dalawa lang yan, isang babae at lalaki, lalaki at babae, pero minsan may mga bakla at lalake, tomboy at babae, sana meron ding bakla at tomboy. Hehe. Tandaan. ang pag-ibig ay sagradong bagay. Walang joke-joke. Minsan yung mga third party pa yung makakapal yung mukha. Lakas trip lang di ba?
Sila na yung nang- agaw sila pa yung malakas yung loob. Pero sana wag na nating gawin yun. Si Lord naman kasi may nilaan talaga siya para sa'yo, kaibigan, wag kang magmadali kasi kaya hindi pa niya binibigay sa'yo yun dahil alam niyang hindi ka pa handa. Hoookey???


Pagod. Simpleng salita. Pagod.. hindi naman mawawala sa isang relasyon yung trabaho, responsibilidad. At ikaw, dahil nagmamahal ka, o dahil mahal mo siya kailangang panindigan mo lahat ng salitang binitiwan mo sa kanya. Magkaroon ka ng isang salita. Kasi kapag puro ka na lang pangako at dumating na ang panahon na nagsasawa na siya sa mga pangako mong walang natupad kahit isa, bibitaw yan. Kahit gaano ka pa niya kamahal. Hindi lang sa pagtatrabaho napapagod ang tao. Sa pag-ibig din.

Mga anak ng Meant to be. Eto naman yung mga taong mahal ang isa't isa pero mukhang hindi sila ang nilaan para sa isa't isa. Gets niyo ba ko? hehe. Ewan ko huh, pero may mga ganito talagang magkasintahan. Nakakatanga lang 'no kasi alam nilang may nararamdaman sila para sa isa't isa pero hindi pwede. bakit? Hindi ko rin alam, Pwedeng mag kamag- anak sila (e.g, magpinsan, mag-ama , maglola)  yung mga ganung bagay. o kaya naman kaya hindi kayo pwede kasi ex mo yung bestfriend niya at may usapan sila na hindi kayo mag.gegerlpren ng iisang babae. ( A crazy little thing called headache) o kaya naman kaya hindi pwede kasi 40 years ang agwat ninyo? May ganun ba? o kaya naman anak siya ng tatay mo sa labas na hindi pinapasok. Basta marami pang dahilan. Pero kung tutuusin kung tadhana na ang naglalayo sa inyo, bakit hindi na lang kayo sumabay sa agos ng buhay? May mas mabuti at mas karapat-dapat pa na taong nakalaan para sa iyo.


Mga kaibigan, kakulangot at kasipon, lagi po nating tatandaan na ang pag-ibig ay hindi basta basta.
Hindi ito  yung bagay na napakadaling gawin para sa atin.



Magandang umaga po sa inyo :))
at dahil maganda ang umaga ngayon, magbabahagi ako ng isang napakapalpak na video cover na pinamagatang PAALAM. Pasensya na sa boses at itsura ko. Mahal ang suklay dito eh.

No comments:

Post a Comment