Thursday, June 20, 2013

Bakit nga kaya karamihan sa mga tao ngayon kapag umuulan eh ang drama?

 Nandito na naman ako dahil wala na namang magawa sa opisina.
Type ng Type ng type ng type.. Hehehe!

Napaisip lang ako bigla, kasi ngayong panahon ng tag-ulan, marami ang binabaha.
Marami ang walang tirahan na nababasa, maraming walang makain, Marami ang giniginaw.
Pero siguro ang pinakamarami kapag umuulan eh yung mga taong nag.iisip.


Bakit nga kaya mas may panahong mag.isip yung ibang tao kapag umuulan?
Kasi malamig?? kasi... gising ang utak nila? ewan ko rin..
kasi ako kapag umuulan napapaisip din ako. Haha!

Sabi nga ng mga bata eh, kaya daw umuulan kasi umiiyak ang langit.
Ibig sabihin malungkot daw. Pambihira buti pa yung langit wagas makaluha eh.


pero ano nga kaya yung mga iniisip ng tao kapag umuulan?

Pera? Kaibigan? Lovelife? pwede diba?


Isang beses nga pauwi ako noon galing trabaho, sobrang lakas ng ulan,
Yung tipong nakapayong at kapote ka na eh mababasa ka pa din.

May isang lalaki, nasa silungan lang siya. Nagpapatila ng ulan. Pero sobrang lungkot niya.
Ewan ko kung bakit, alangan naman kung tatanungin ko diba?

Inisip ko bakit kaya ang lungkot ng buhay niya? Nabasted kaya siya? o hindi siya nanalo sa lotto? O namatay kaya yung ipis nila sa bahay? I don't know.

Pero may mga pagkakataon kasi na iniisip ko sa tingin ko nababasa ko yung mga iniisip ng tao lalo na kapag nakatingin ako sa mga mata nila. Pero hindi ako sigurado, feeling ko lang yon.
Tinitignan ko yung mata niya, talagang napakalungkot, gusto ko sanang tanungin kung ano yung problema niya, kaya lang umalis na siya.

So yun, ako naman yung nag'isip. Haha :)
Di ba, Hindi lang kaming dalawa yung nag.iisip nong panahon na 'yon.. :))


eh ikaw, ano bang iniisip mo kapag umuulan??

No comments:

Post a Comment