Masyadong nakakahayskul ang topic ko ngayon. Beware ^_________^
Crush. Big word. Let's talk about Crush. Hehehe.
Ano nga ba ang salitang crush?
- Sa pagkakaalam ko kasi ang crush eh paghanga. Hanggang ngayon pinaniniwalaan ko pa rin yang Crush is Paghanga na 'yan. Haha. Infatuation maybe. Ito kasi yung madalas na napapagkamalan ng tao na pagmamahal especially yung mga Teenagers at Feeling-teenagers.
Hindi naman masama ang pagkakaroon ng crush eh. Kaya nga di ba minsan may mga magulang na nagsasabi na okay lang na magcrush-crush ka pero wag kang magpapaligaw? Madalas naririnig ko 'to sa mga nanay na may anak na highschool student eh. Kahit nung high school ako naririnig ko lagi sa nanay ko yan eh. Minsan nga kapag nakakasalubong mo yung dating crush mo naaalala mo pa yung mga panahong nagkukulay kamatis ka na lalo na kapag panay ang tukso ng mga kaklase mo sa inyo.
Minsan ang awkward lalo na kapag nagkatapat kayo sa pila sa flag ceremony, Mas lalo kapag magkatabi kayo sa upuan. At mas lalong awkward pag alam ng buong klase niyo na may gusto ka sa kanya. Nangyari na sa kin yun noong hayskul pa 'ko. At yun ang pinaka nakakahiyang nangyari sa buhay ko.
Kadalasan nagkakacrush tayo sa mga tao na may pisikal na attraction. Yung talaga namang may likas na kagwapuhan.. Yung mga lamang ng ilang ligo sa normal nating kaklase. Meron din naman sa mga sobrang pagandang babae. Kilala dahil maganda, dahil matalino.. Beauty and brains. Minsan akong nainggit sa mga kakilala ko na ganyan eh. Nasabi ko pa nga sa sarili ko "Bakit sila ang gaganda, Ba't ako hindi., Naaaaaaaaaaay! Bakkeeeeeeeet!!".
Eto bago tayo tumuloy sa sumusunod na paksa magbabahagi lang ako ng buhay crush ko noong nag-aaral pa lang ako.
Noong hayskul ako may isang taong nakakuha ng atensyon ko, Si Cristian. Simple lang siya, hindi siya masyadong pansinin, matalino pero tahimik. Mula nung 1st year highschool ako hanggang matapos akong makagraduate ng hayskul gustong gusto ko talaga siya. Naisip ko pa nga noon mahal ko na siguro 'tong tao na 'to. DUH! di kayo close pero mahal mo?
Ewan ko pero naisip ko lang talaga 'yon. Ang weird nga kasi tuwing Balentayms day gumagawa ako ng love letter para sa kanya. Take note. Taun- taon ko siya ginagawan non, Pero anong nangyari? Nga-nga? Siguro hindi niya talaga ako gusto. Hehe. Nakakahiya nga noon kasi karamihan sa batch namin alam na crush ko siya. Yung tipong hindi ko siya malalapitan talaga dahil pag ginawa ko yun eh kakantiyawan lang kami. Kaya 'yon. Isang beses may nakita akong nagkakalat na bag sa hagdanan ng building namin. Hindi ko alam kung sino may-ari. pero nung tinignan ko yung notebuk.....HINDI SIYAAAA! kaklase niya. At dahil mabait pa ako nung panahon na 'yon, nagbalak akong isauli yun sa klase nila at dahil kabisado ko schedule nila alam ko kung saan sila makikita. :) masyado akong genius noon. hehe. At ayun, nandun sila sa stage. Nagkaklase, pinauna ko yung kaklase ko na kausapin yung titser kasi alam ko na yung mga mangyayari nun. Kaya lang ang nangyari naiwan sa'kin yung bag ng may-ari at wala na nga akong nagawa kundi ang lumapit. Naglalakad pa lang ako papalapit naghihiyawan na yung mga kaklase niya, kaya ginawa ko hindi ko talaga sila tinignan. Sobrang nakakahiya, pero sa kabilang banda, masaya kasi kahit pano nakatulong na 'ko nakita ko pa siya.
Sa loob ng apat na taon na nagkagusto ako sa kanya, hindi ko man lang naramdaman na gusto rin niya 'ko. Ewan ko , siguro pangit ako talaga noong panahon na 'yon. hahaha! Pero ang mahalaga doon ginawa ko siyang inspirasyon para magsipag sa pag-aaral. Sinabi ko pa noon "Kung di niya ko gusto edi wag." Crush mo lang siya at hindi na kailangan sabihin mo na sana crush ka din niya, Kahit nag-expect ako noon.
Hindi naman kasi porket gusto mo na ang isang tao mahal mo na. Tandaan mga kapatid, iba ang CRUSH sa PAGMAMAHAL. marami akong nababasa kung saan may mga taong napapagkamalan ang crush na love. Crushin ko kaya utak mo tas hulog ko sa butas ng Lovabo? Labo mo 'dre eh!
Para sa'kin ang salitang crush, Yun yung tipo na may magugustuhan kang bagay sa isang tao, (e.g.) Ang ganda ng mata niya, ang tangos ng ilong niya, Ang ganda ng ngiti niya kapag nagtoothbrush....etc..
Ang Crush kasi mga kapatid simpleng paghanga lang yan sa isang tao kung saan nakakita ka ng kaaya-aya sa kanya. Kaya maraming magboypren/gerlpren ang naghihiwalay ngayon eh. Isang buwan pa lang magkarelasyon naghiwalay na. Eh pano ba naman sila mismo hindi sigurado sa mga nararamdaman nila.. Lalo na yang mga teenager. (Hindi po ako galit sa teenager).
Ang pagkakacrush kasi mga kapatid may limitasyon din. Hindi ko alam kung paano niyo ba tinatrato yung crush ninyo as crush. Kasi may mga iba na akala nila mahal na nila yung crush nila. Kaya umuuwi silang luhaan, talo, waley, nganga.
Pero para sakin, sige magpakabaliw ka kay crush. Pero kapag wala na siya sa paningin ko wala na rin yung feeling ko. Hehehe!
Bakit nga ba tayo nagkakacrush?
Marami. Napakaraming dahilan. Alam ko naman na alam ninyo ang sagot dyan eh :)
Eh pano mo nga ba sasabihin kay crush na crush mo siya?
Kanya- kanyang diskarte mga pare. May mga iba na diretso, straight to the point.
(e.g.)
Boy: Alam mo crush kita.
Girl: Ah ok.. ( awkward silence)
...
Minsan kasi mga bro dapat alam din natin yung salitang timing. Kasi para naman mas makapag handa ng sasabihin yung crush mo. haha !
(Next)
Boy: Yieee oy, yung crush mo oh, kinikilig na yan!
Girl: Letse!!
....
May mga lalaking ganyan ang ugali. Yung ang hilig itulak yung gusto nila sa taong ikaw naman ang gusto haha. Nakakaimbyerna lang kasi nangyari na sa akin yang ganyan eh. Mapipikon ka lang talaga kapag pinansin mo.
(Next)
Boy: Ganda mo idol! Crush kita! Joke! hahaha :D
Girl: Ewan ko sa'yo labo mo!
Eto naman yung mga medyo natotorpe kasi baka hindi sila type ng crush nila.. Pero yung mga babae deep inside kilig na kilig yan lalo na pag crush nila ang nagsabi.
Paano nga ba mapansin ni crush?
Hindi ko sigurado kung mapapansin ka nga ng crush mo dito pero ganito ginawa ko:
The best greetings. Lagi mo babatiin si crush mo, kahit minsan di ka nya pinapansin kasi darating at darating yung time na papansinin ka niya. hahaha.
The suplada/suplado effect. Sabi kasi ng nanay ko kapag nagsusuplada ka raw o nagsusuplado mas nagkakaron ng chance na macurious sa'yo ang isang tao. Kung sa bagay tama nga naman. Kasi isang beses kinausap ako ng crush ko, alam niyo ba ang sabi niya. Nakakatakot daw ako kausapin kasi baka daw kapag kinausap ako sungitan ko lang. hahaha ! Advantage yun mga kaibigan. Ibig sabihin gusto ka niyang kausapin kaya lang natatakot siya. haha :)
Impress him/her. Ipakita mo sa kanya kung san ka magaling. Malay mo dun siya ma-attract at hindi sa'yo. haha.
Asar. Eto yung ginagamit ng karamihan ngayon eh, ang lalakas mang-asar. Bakit? Syempre sino ba naman may gustong inaasar siya wala diba. kaya 'yon kapag nang-aasar ang isang tao, wala naman magagawa 'tong nagugustuhan kundi pansinin.
Pero sa totoo lang di mo naman talaga kailangan ng ganitong bagay eh.
maging totoo ka lang sa sarili mo, Be the best of yourself. Tatanggapin ka ng taong gusto mo at mapapansin ka niya kahit hindi ka magpapansin. Be confident and trust yourself. K.?
Yung feeling na nginitian ka ng crush mo:
KILIG LEVEL: 100000000000000000000X!
No comments:
Post a Comment