umpisahan natin, ano nga ba talaga 'tong friendzone na 'to??
- Noong una wala kong pakialam sa friendzone-friendzone na yan eh,
Pero habang tumatagal masyado na yata akong na-curious. Meron kasi akong kaibigan na ang hilig magbikas ng friendzone. Sa totoo lang nakakainis. haha. In a way na bakit kailangang banggitin lagi yung salita na yon, So yun nga parang medyo nahiwagaan ako sa "FRIENDZONE" term na ito at ito ang nakuha ko.
.. Base sa aking pagkakaunawa eto daw yung "FRIENDS ONLY". meaning kaibigan lang talaga ang turing sa iyo ng isang napakaespesyal na tao para sa'yo. Ito daw yung tipo na sobrang sweet niya sa'yo, Yung sobra sobrang concern ang ibinibigay sa'yo, sobrang pag-aalaga.
Karamihan sa mga na-friendzone eh nag.uumpisa daw 'yon sa pagkakaibigan.
Halimbawa, may isang babae, at ikaw lalaki ka, May boyfriend si babae at ikaw nga'nga.
Ngayon, naghiwalay, o nagkalabuan ang magkasintahan. At dahil kaibigan mo siya, Sa'yo siya tatakbo, iiyak, hihingi ng comfort, Sa'yo siya hahanap ng kasiyahan.
Ito yung mga tipo na nagsasabing "Okay lang yan nandito naman ako eh, di kita iiwan.", o kaya naman "You can cry on my shoulders naman eh." DUH as in wala kang own shoulder. haha :)
Ito daw yung feeling na binigyan mo ng meaning yung pagiging kaibigan sa'yo ng isang tao.
Pero yung isa naman eh ayaw sa'yo. (Bigti na, friend.) haha :)
Sa isang blog na nabasa ko sinasabi niya na mayroon daw limang puntos (5) para malaman kung ikaw ay nafriendzoned na, pero tingin ko hindi rin naman 'yon yun. haha :)
1. Nagkukwento siya sa'yo tungkol sa isang lalaki.
- Oo may mga ganung babae, pero hindi naman lahat. Katulad ko, makwento akong tao, kahit sino kinukwentuhan ko at kahit ano ikinukwento ko,marami namang nakakaalam ng mga ikinukwento ko tungkol sa mga lalaki na nagustuhan ko, pero hindi ibig sabihin non eh nananamantala na ako sa nararamdaman ng lalaki para sa akin.
2. Masyado siyang komportable.
- Eto naman yung mga tipong okay lang kahit saan kayo magpunta, kahit ano yung gawin niyo, basta magkasama kayong dalawa. basta, masaya at komportable ka sa mga ginagawa niya.
3. Di siya nagpapakita ng motibo na gusto ka niya.
- Hindi nagpapakita ng motibo o hindi ka lang talaga gusto? Haha ^____^
Hindi ko alam 'to dahil hindi ko pa nararanasan. Sa mga nakakarelate dyan, alam niyo na siguro 'to dahil di ko alam ipaliwanag ito. Haha ;)
4. Madami siyang lalaking kaibigan.
- Ito naman hindi ko rin alam kung paano papatunayan 'to pero ewan ko kung totoo nga ba 'to.
Ako kasi simula noong bata pa ko eh puro lalaki na naman ang mga kasama ko hanggang umabot ako ng ganitong edad, so ewan ko .
5. Hindi siya tumatakas para lang makausap ka.
- Syempre pagkakataon na nga iyon palalampasin mo pa ba?
(Lumabas ang writer para bumili ng kape.)
.
.
.
.
.
.
.
Pasensya na bumili lang ako ng kape. Ge, Ituloy na natin..
At syempre kung merong mga "Hints", mayroon ding mga dahilan kung bakit na-Friendzone ka pre!
(galing pa din ito sa blogger na hindi ko alam ang pangalan, balita ko siya daw si wickedtitania. Nakakatakot.)
1. May mga babae na hindi nakikita kay friend na boy yung sinasabing potential para tawaging boyfriend.
- Kung baga sa exam, kulang pa sa review. Kung baga sa mga proposal, kailangan pang irevise.
May mga babae kasi na talagang may hinahanap lang sa isang lalaki, tapos pag nahanap na yun dun na sila magiging masaya. Ewan ko lang kung ano nga bang hinahanap ng mga babae na yan.
2. Nakikitaan ng babae yung lalaki ng pag-aalinlangan.
- sabi ni wickedtitania, Alinlangan in the sense na mahal ba niya talaga ko o isasama lang ako sa collection niya. Trip trip kung baga.
Eh kasi nga naman sa panahon ngayon mahirap maniwala sa kung kani-kaninong lalaki lamang.
mas maganda na 'yong sureball, yung sigurado, yung sakto.
3. Parang ang lalaki at babae ay kaparehas ng pole magnet.
- Pole magnet. Hindi ko alam kung ano yun eh. Pero tingin ko ito yung magnet na kapag pinagtapat mo eh hindi talaga magdidikit o magtatagpo. Yun ang sa tingin ko ha.
Meron pa nga akong nabasa sa ibang blog eh ang sabi: "mga babaeng paasa."
Hindi ko alam kung totoo nga ba o hindi. Kasi nga naman hindi ba't ....
Ah basta. Mahirap magpaliwanag.
Sabi nila mahirap daw ma-friendzone kasi unang una alam na alam mong kaibigan lang ang tingin niya sa'yo, Masakit daw kapag nagkukwento ka tungkol sa lalaki/babaeng mahal mo. Masakit kapag iniiyakan mo yung mahal mo at sa kanya ka pa mismo umiiyak. Sabi nila parang masarap daw gulpihin yung mga ganong lalaki. Hahaha ! natawa lang ako.
Eto daw yung quote na talagang saktong sakto sa word na FRIENDZONE.
Parang nakakatakot at parang ang sakit kapag narinig mo yan sa isang kaibigan na umasa sa wala diba? Tapos pagkatapos mong marinig yan, wala na friendship is over na "Strangers again" ang drama.
Kaya payo ko sa mga lapitin ng friendzone at sa mga nakikiuso sa friendzone at sa mga may balak mang friendzone:
UTANG NA LOOB NAMAN!!
NAKA ALL CAPS NA PARA DAMANG DAMA NIYO PA!
Biro lamang. Seryosong bagay 'to. Hehe.
Una, Hindi lahat ng nararamdaman natin pagmamahal. Oo, tumibok ang puso mo, ano? pagmamahal na ba yan? e malay mo nerbyos lang yan, o kaya heartburn diba?
Yung mga nararamdaman natin kasi pwedeng crush lang o infatuation lang. Syempre hintay hintay din pag may time, Kaibigan mo lang mahal mo na agad. At hindi porket nagpakita siya sa'yo ng kabutihan, ng concern, ng sweetness at kung anu-ano pa, hindi ibig sabihin nun mahal ka niya. May mga taong sadya lang talagang maaalahanin, mabait, sweet. At may mga tao rin nagtitrip lang. Malay mo trip lang niyang maging sweet sa'yo.
Ikalawa. 'Pag sinabing kaibigan, kaibigan lang. Kaya nga sinabing kaibigan eh F-R-I-E-N-D-S lang.
Yung mga nararamdaman natin kasi pwedeng crush lang o infatuation lang. Syempre hintay hintay din pag may time, Kaibigan mo lang mahal mo na agad. At hindi porket nagpakita siya sa'yo ng kabutihan, ng concern, ng sweetness at kung anu-ano pa, hindi ibig sabihin nun mahal ka niya. May mga taong sadya lang talagang maaalahanin, mabait, sweet. At may mga tao rin nagtitrip lang. Malay mo trip lang niyang maging sweet sa'yo.
Ikalawa. 'Pag sinabing kaibigan, kaibigan lang. Kaya nga sinabing kaibigan eh F-R-I-E-N-D-S lang.
Kaya ka nafi-friendzone eh, masyado kang assuming.
May mga lalaking mapagsamantala, at ganun din sa mga babae (sorry sa term ko, wala kong maisip na ibang term eh.)
Yung mga babae kasi naghahanap lang ng comfort zone nila yan.. at dahil ikaw ang dakilang kaibigan na laging nagbibigay ng oras at atensyon sa kanya. Ikaw na! Ikaw na ang comfort Friendzone niya.
Huwag kang magpapadala sa lahat ng sinasabi at pinaparamdam ng isang tao. Lalo na't hindi mo alam kung ano ka ba para sa kanya.
Ikatlo. Huwag maniwala sa ibinubulong ng puso. Hindi lahat ng sinasabi ng puso totoo, Heart is a deceiver. Tandaan niyo yan. pero kung mahal mo talaga siya, edi mahalin mo .. Nang walang hinihinging kapalit. A true love is an unconditional love. Hintayin mong magbigay din siya ng pagmamahal na hinahanap mo. Pero kung wala pa rin. HUWAG KANG TANGA.
Sabi nga ni Kuya Roger sa film niya may line dun " Hayaan mo 'kong mahalin ka hanggang sa makalimutan kita." Huwag mong hayaang ikulong yung puso mo dun sa taong di ka kayang mahalin katulad ng pagmamahal na binibigay mo sa kanya. Okay??
Ikaapat. Move on - Move on din pre pag may time. Hindi lang siya ang makikilala mo sa mundong ito. Malay mo kayo pala ni Anne Curtis ang nakatadhana. O malay mo si Coco Martin pala yung nilaan ni Lord para sa'yo. Talo ka pa ba dun? Ang akin lang naman eh, Hwag masyadong magbigay ng pagmamahal. May tao pang mas magmamahal sayo. Mas magbibigay sa'yo ng panahon, oras at atensyon. Yung ituturing kang espesyal.
Sa ngayon di ko alam kung nakatulong ba ako o nakagulo. Gusto ko lang bawasan yung nakatambay dito sa katiting kong utak eh. haha :)
Pero nananalangin pa rin ako na sana nga nakatulong ako sa iba sa inyo. At salamat kung ganon ..
Pero nananalangin pa rin ako na sana nga nakatulong ako sa iba sa inyo. At salamat kung ganon ..
Enjoyin lang ang buhay, Maiksi lang yan para magmukmok at umiyak. Tanggapin mo na lang lahat ng nangyayari. Kasi minsan lang yan eh. :)
Bilang pamamaalam, ako'y mag.iiwan sa inyo ng isang short film na hindi nanggaling sa akin.
Pero may kinalaman, Malaki ang kinalaman sa ating paksa.
Panoorin niyo.
Credits to the owner of this video.
AYOS! may bago n nman akong natutunan ..
ReplyDeletewell, d ko pa nranasan ang ganyan --pero I hope ndi nga.. hAha ^.^
►►FRIENDZONE ....
uu nga... cno nga ba naman ang ngpauso ng word n yan ??
lam mo ..prang narinig k n yang word na yan sa mga telenovela dati eh - d ko nga lang alam ang meaning nun .
tnx sa blog nato mas lalo kong naintndihan :-)
s0Ooo yuuUun pala yun ..
anyway,, tnx sa mga hints and tips na nbasa ko
►MORE POWER SA BLOG MO AND GOD BLESS!!◄