Isa lang akong tagahanga na gustong magbigay ng mensahe para sa idol kong pogi.
Maligayang kaarawan sa'yo, Sobra mo 'kong nainspire sa mga videos, sa mga posts mo sa tumblr at sa page niyo.. Malaking ngiti rin yung nabahagi mo hindi lang sakin kundi sa ibang nakakaappreciate ng mga videos mo. Hindi ko alam kung san banda dun pero it's something that touches my heart Hihihi..
Basta nakakaaliw lahat ng videos mo..
Hindi matatawag na corny, Hindi rin OA. :)
Ang galing mo para sa'kin ikaw ang da'best, ikaw ang pogi !
Thumbs up ako sa'yo Bro.
Continue to inspire other people :))
Sana makilala kita personally, kahit hindi na makita lang kita okay na :P hihihi..
Masyadong nakakahayskul ang topic ko ngayon. Beware ^_________^ Crush. Big word. Let's talk about Crush. Hehehe. Ano nga ba ang salitang crush? - Sa pagkakaalam ko kasi ang crush eh paghanga. Hanggang ngayon pinaniniwalaan ko pa rin yang Crush is Paghanga na 'yan. Haha. Infatuation maybe. Ito kasi yung madalas na napapagkamalan ng tao na pagmamahal especially yung mga Teenagers at Feeling-teenagers. Hindi naman masama ang pagkakaroon ng crush eh. Kaya nga di ba minsan may mga magulang na nagsasabi na okay lang na magcrush-crush ka pero wag kang magpapaligaw? Madalas naririnig ko 'to sa mga nanay na may anak na highschool student eh. Kahit nung high school ako naririnig ko lagi sa nanay ko yan eh. Minsan nga kapag nakakasalubong mo yung dating crush mo naaalala mo pa yung mga panahong nagkukulay kamatis ka na lalo na kapag panay ang tukso ng mga kaklase mo sa inyo. Minsan ang awkward lalo na kapag nagkatapat kayo sa pila sa flag ceremony, Mas lalo kapag magkatabi kayo sa upuan. At mas lalong awkward pag alam ng buong klase niyo na may gusto ka sa kanya. Nangyari na sa kin yun noong hayskul pa 'ko. At yun ang pinaka nakakahiyang nangyari sa buhay ko.
Kadalasan nagkakacrush tayo sa mga tao na may pisikal na attraction. Yung talaga namang may likas na kagwapuhan.. Yung mga lamang ng ilang ligo sa normal nating kaklase. Meron din naman sa mga sobrang pagandang babae. Kilala dahil maganda, dahil matalino.. Beauty and brains. Minsan akong nainggit sa mga kakilala ko na ganyan eh. Nasabi ko pa nga sa sarili ko "Bakit sila ang gaganda, Ba't ako hindi., Naaaaaaaaaaay! Bakkeeeeeeeet!!". Eto bago tayo tumuloy sa sumusunod na paksa magbabahagi lang ako ng buhay crush ko noong nag-aaral pa lang ako. Noong hayskul ako may isang taong nakakuha ng atensyon ko, Si Cristian. Simple lang siya, hindi siya masyadong pansinin, matalino pero tahimik. Mula nung 1st year highschool ako hanggang matapos akong makagraduate ng hayskul gustong gusto ko talaga siya. Naisip ko pa nga noon mahal ko na siguro 'tong tao na 'to. DUH! di kayo close pero mahal mo? Ewan ko pero naisip ko lang talaga 'yon. Ang weird nga kasi tuwing Balentayms day gumagawa ako ng love letter para sa kanya. Take note. Taun- taon ko siya ginagawan non, Pero anong nangyari? Nga-nga? Siguro hindi niya talaga ako gusto. Hehe. Nakakahiya nga noon kasi karamihan sa batch namin alam na crush ko siya. Yung tipong hindi ko siya malalapitan talaga dahil pag ginawa ko yun eh kakantiyawan lang kami. Kaya 'yon. Isang beses may nakita akong nagkakalat na bag sa hagdanan ng building namin. Hindi ko alam kung sino may-ari. pero nung tinignan ko yung notebuk.....HINDI SIYAAAA! kaklase niya. At dahil mabait pa ako nung panahon na 'yon, nagbalak akong isauli yun sa klase nila at dahil kabisado ko schedule nila alam ko kung saan sila makikita. :) masyado akong genius noon. hehe. At ayun, nandun sila sa stage. Nagkaklase, pinauna ko yung kaklase ko na kausapin yung titser kasi alam ko na yung mga mangyayari nun. Kaya lang ang nangyari naiwan sa'kin yung bag ng may-ari at wala na nga akong nagawa kundi ang lumapit. Naglalakad pa lang ako papalapit naghihiyawan na yung mga kaklase niya, kaya ginawa ko hindi ko talaga sila tinignan. Sobrang nakakahiya, pero sa kabilang banda, masaya kasi kahit pano nakatulong na 'ko nakita ko pa siya. Sa loob ng apat na taon na nagkagusto ako sa kanya, hindi ko man lang naramdaman na gusto rin niya 'ko. Ewan ko , siguro pangit ako talaga noong panahon na 'yon. hahaha! Pero ang mahalaga doon ginawa ko siyang inspirasyon para magsipag sa pag-aaral. Sinabi ko pa noon "Kung di niya ko gusto edi wag." Crush mo lang siya at hindi na kailangan sabihin mo na sana crush ka din niya, Kahit nag-expect ako noon. Hindi naman kasi porket gusto mo na ang isang tao mahal mo na. Tandaan mga kapatid, iba ang CRUSH sa PAGMAMAHAL. marami akong nababasa kung saan may mga taong napapagkamalan ang crush na love. Crushin ko kaya utak mo tas hulog ko sa butas ng Lovabo? Labo mo 'dre eh! Para sa'kin ang salitang crush, Yun yung tipo na may magugustuhan kang bagay sa isang tao, (e.g.) Ang ganda ng mata niya, ang tangos ng ilong niya, Ang ganda ng ngiti niya kapag nagtoothbrush....etc.. Ang Crush kasi mga kapatid simpleng paghanga lang yan sa isang tao kung saan nakakita ka ng kaaya-aya sa kanya. Kaya maraming magboypren/gerlpren ang naghihiwalay ngayon eh. Isang buwan pa lang magkarelasyon naghiwalay na. Eh pano ba naman sila mismo hindi sigurado sa mga nararamdaman nila.. Lalo na yang mga teenager. (Hindi po ako galit sa teenager).
Ang pagkakacrush kasi mga kapatid may limitasyon din. Hindi ko alam kung paano niyo ba tinatrato yung crush ninyo as crush. Kasi may mga iba na akala nila mahal na nila yung crush nila. Kaya umuuwi silang luhaan, talo, waley, nganga.
Pero para sakin, sige magpakabaliw ka kay crush. Pero kapag wala na siya sa paningin ko wala na rin yung feeling ko. Hehehe!
Bakit nga ba tayo nagkakacrush?
Marami. Napakaraming dahilan. Alam ko naman na alam ninyo ang sagot dyan eh :) Eh pano mo nga ba sasabihin kay crush na crush mo siya? Kanya- kanyang diskarte mga pare. May mga iba na diretso, straight to the point. (e.g.) Boy: Alam mo crush kita. Girl: Ah ok.. ( awkward silence) ... Minsan kasi mga bro dapat alam din natin yung salitang timing. Kasi para naman mas makapag handa ng sasabihin yung crush mo. haha ! (Next)
Boy: Yieee oy, yung crush mo oh, kinikilig na yan! Girl: Letse!! .... May mga lalaking ganyan ang ugali. Yung ang hilig itulak yung gusto nila sa taong ikaw naman ang gusto haha. Nakakaimbyerna lang kasi nangyari na sa akin yang ganyan eh. Mapipikon ka lang talaga kapag pinansin mo. (Next) Boy: Ganda mo idol! Crush kita! Joke! hahaha :D Girl: Ewan ko sa'yo labo mo!
Eto naman yung mga medyo natotorpe kasi baka hindi sila type ng crush nila.. Pero yung mga babae deep inside kilig na kilig yan lalo na pag crush nila ang nagsabi. Paano nga ba mapansin ni crush? Hindi ko sigurado kung mapapansin ka nga ng crush mo dito pero ganito ginawa ko:
The best greetings. Lagi mo babatiin si crush mo, kahit minsan di ka nya pinapansin kasi darating at darating yung time na papansinin ka niya. hahaha. The suplada/suplado effect. Sabi kasi ng nanay ko kapag nagsusuplada ka raw o nagsusuplado mas nagkakaron ng chance na macurious sa'yo ang isang tao. Kung sa bagay tama nga naman. Kasi isang beses kinausap ako ng crush ko, alam niyo ba ang sabi niya. Nakakatakot daw ako kausapin kasi baka daw kapag kinausap ako sungitan ko lang. hahaha ! Advantage yun mga kaibigan. Ibig sabihin gusto ka niyang kausapin kaya lang natatakot siya. haha :)
Impress him/her. Ipakita mo sa kanya kung san ka magaling. Malay mo dun siya ma-attract at hindi sa'yo. haha. Asar. Eto yung ginagamit ng karamihan ngayon eh, ang lalakas mang-asar. Bakit? Syempre sino ba naman may gustong inaasar siya wala diba. kaya 'yon kapag nang-aasar ang isang tao, wala naman magagawa 'tong nagugustuhan kundi pansinin. Pero sa totoo lang di mo naman talaga kailangan ng ganitong bagay eh. maging totoo ka lang sa sarili mo, Be the best of yourself. Tatanggapin ka ng taong gusto mo at mapapansin ka niya kahit hindi ka magpapansin. Be confident and trust yourself. K.?
Di ko alam kung bakit bigla ko na lang naisip yung title nito. Ang mahalaga may title. Hehehe.
Naisip ko lang ulit.. ( mahilig talaga ako mag-isip ), Bakit kaya sa dalawang taong nagmamahalan kailangan may isang nagpapaalam? Hindi ko naman nilalahat, yung mga naghihiwalay lang okay?
Ibig kong sabihin, bakit nga ba minsan humahantong sa hiwalayan ang lahat?
Meron akong mga alam na dahilan at ang ilan sa mga ito ay:
Di pagkakaintindihan. Kadalasan sa mga magkasintahan kasi hindi magkaintindihan. Yung tipong nag-aaway na nga nagsusumbatan pa. Kung pwede nga lang silang dalawa magsuntukan eh ginawa na nila.
Mahirap kapag may karelasyon kang hindi marunong umintindi/umunawa. Napakahirap. Sa isang relasyon naman kasi dapat talagang buo ang tiwala niyo sa isa't - isa, Unless, hindi mo talaga siya mahal.
Pride. Pride Chicken. Ito yung pritong manok diba? Sa sobrang hilig ng magkarelasyon kakakain ng pride chicken, inaapply na rin nila sa ugali nila. Sana kung ma-pride yung isa sana unawain na lang ng isa di ba?
Mahirap kasi yung nasa isang relasyon ka tapos nagpapataasan kayo ng pride. Walang mangyayari sa buhay niyo, sinasabi ko sa inyo.
Selos. Natural lang sa tao yung magselos pero kung yung pagseselos mo eh sobra na, aba! kakaltukan na kita. Hindi maganda sa isang relasyon yung nagseselos. Love is all about TRUST. Paano magkakaroon ng magandang outcome yung relasyon ninyo kung hindi niyo lang rin naman kayang pagtiwalaan ang isa't isa. Kung yung isa eh lalabas lang para magtrabaho pero ang takbo ng isip mo magkikita sila ng babae niya kahit wala naman. Wew! Lupet mo pre! Ikaw na! Pero may mga nagsasabi na kung sino pa daw yung sobrang maghinala yung pa daw yung may ginagawa. Ewan ko, pero tingin ko hindi naman ganun yun. Nasa tao pa rin yon. Third party. Sa lahat ng party, ito naman yung nakakagigil. eto yung party na parang masarap manggulpi.
Bakit nga kasi may mga tao na may karelasyon na nga, mahilig pang sumali. Ang pagiging magkasintahan hanggang dalawa lang yan, isang babae at lalaki, lalaki at babae, pero minsan may mga bakla at lalake, tomboy at babae, sana meron ding bakla at tomboy. Hehe. Tandaan. ang pag-ibig ay sagradong bagay. Walang joke-joke. Minsan yung mga third party pa yung makakapal yung mukha. Lakas trip lang di ba?
Sila na yung nang- agaw sila pa yung malakas yung loob. Pero sana wag na nating gawin yun. Si Lord naman kasi may nilaan talaga siya para sa'yo, kaibigan, wag kang magmadali kasi kaya hindi pa niya binibigay sa'yo yun dahil alam niyang hindi ka pa handa. Hoookey???
Pagod. Simpleng salita. Pagod.. hindi naman mawawala sa isang relasyon yung trabaho, responsibilidad. At ikaw, dahil nagmamahal ka, o dahil mahal mo siya kailangang panindigan mo lahat ng salitang binitiwan mo sa kanya. Magkaroon ka ng isang salita. Kasi kapag puro ka na lang pangako at dumating na ang panahon na nagsasawa na siya sa mga pangako mong walang natupad kahit isa, bibitaw yan. Kahit gaano ka pa niya kamahal. Hindi lang sa pagtatrabaho napapagod ang tao. Sa pag-ibig din.
Mga anak ng Meant to be. Eto naman yung mga taong mahal ang isa't isa pero mukhang hindi sila ang nilaan para sa isa't isa. Gets niyo ba ko? hehe. Ewan ko huh, pero may mga ganito talagang magkasintahan. Nakakatanga lang 'no kasi alam nilang may nararamdaman sila para sa isa't isa pero hindi pwede. bakit? Hindi ko rin alam, Pwedeng mag kamag- anak sila (e.g, magpinsan, mag-ama , maglola) yung mga ganung bagay. o kaya naman kaya hindi kayo pwede kasi ex mo yung bestfriend niya at may usapan sila na hindi kayo mag.gegerlpren ng iisang babae. ( A crazy little thing called headache) o kaya naman kaya hindi pwede kasi 40 years ang agwat ninyo? May ganun ba? o kaya naman anak siya ng tatay mo sa labas na hindi pinapasok. Basta marami pang dahilan. Pero kung tutuusin kung tadhana na ang naglalayo sa inyo, bakit hindi na lang kayo sumabay sa agos ng buhay? May mas mabuti at mas karapat-dapat pa na taong nakalaan para sa iyo.
Mga kaibigan, kakulangot at kasipon, lagi po nating tatandaan na ang pag-ibig ay hindi basta basta.
Hindi ito yung bagay na napakadaling gawin para sa atin.
Magandang umaga po sa inyo :))
at dahil maganda ang umaga ngayon, magbabahagi ako ng isang napakapalpak na video cover na pinamagatang PAALAM. Pasensya na sa boses at itsura ko. Mahal ang suklay dito eh.
At dahil nauuso naman ngayon ang salitang "FRIENDZONE" ..
umpisahan natin, ano nga ba talaga 'tong friendzone na 'to??
- Noong una wala kong pakialam sa friendzone-friendzone na yan eh,
Pero habang tumatagal masyado na yata akong na-curious. Meron kasi akong kaibigan na ang hilig magbikas ng friendzone. Sa totoo lang nakakainis. haha. In a way na bakit kailangang banggitin lagi yung salita na yon, So yun nga parang medyo nahiwagaan ako sa "FRIENDZONE" term na ito at ito ang nakuha ko.
.. Base sa aking pagkakaunawa eto daw yung "FRIENDS ONLY". meaning kaibigan lang talaga ang turing sa iyo ng isang napakaespesyal na tao para sa'yo. Ito daw yung tipo na sobrang sweet niya sa'yo, Yung sobra sobrang concern ang ibinibigay sa'yo, sobrang pag-aalaga.
Karamihan sa mga na-friendzone eh nag.uumpisa daw 'yon sa pagkakaibigan.
Halimbawa, may isang babae, at ikaw lalaki ka, May boyfriend si babae at ikaw nga'nga.
Ngayon, naghiwalay, o nagkalabuan ang magkasintahan. At dahil kaibigan mo siya, Sa'yo siya tatakbo, iiyak, hihingi ng comfort, Sa'yo siya hahanap ng kasiyahan.
Ito yung mga tipo na nagsasabing "Okay lang yan nandito naman ako eh, di kita iiwan.", o kaya naman "You can cry on my shoulders naman eh." DUH as in wala kang own shoulder. haha :)
Ito daw yung feeling na binigyan mo ng meaning yung pagiging kaibigan sa'yo ng isang tao.
Pero yung isa naman eh ayaw sa'yo. (Bigti na, friend.) haha :)
Sa isang blog na nabasa ko sinasabi niya na mayroon daw limang puntos (5) para malaman kung ikaw ay nafriendzoned na, pero tingin ko hindi rin naman 'yon yun. haha :)
1. Nagkukwento siya sa'yo tungkol sa isang lalaki.
- Oo may mga ganung babae, pero hindi naman lahat. Katulad ko, makwento akong tao, kahit sino kinukwentuhan ko at kahit ano ikinukwento ko,marami namang nakakaalam ng mga ikinukwento ko tungkol sa mga lalaki na nagustuhan ko, pero hindi ibig sabihin non eh nananamantala na ako sa nararamdaman ng lalaki para sa akin.
2. Masyado siyang komportable.
- Eto naman yung mga tipong okay lang kahit saan kayo magpunta, kahit ano yung gawin niyo, basta magkasama kayong dalawa. basta, masaya at komportable ka sa mga ginagawa niya.
3. Di siya nagpapakita ng motibo na gusto ka niya.
- Hindi nagpapakita ng motibo o hindi ka lang talaga gusto? Haha ^____^
Hindi ko alam 'to dahil hindi ko pa nararanasan. Sa mga nakakarelate dyan, alam niyo na siguro 'to dahil di ko alam ipaliwanag ito. Haha ;)
4. Madami siyang lalaking kaibigan.
- Ito naman hindi ko rin alam kung paano papatunayan 'to pero ewan ko kung totoo nga ba 'to.
Ako kasi simula noong bata pa ko eh puro lalaki na naman ang mga kasama ko hanggang umabot ako ng ganitong edad, so ewan ko .
5. Hindi siya tumatakas para lang makausap ka.
- Syempre pagkakataon na nga iyon palalampasin mo pa ba?
(Lumabas ang writer para bumili ng kape.)
.
.
.
.
.
.
.
Pasensya na bumili lang ako ng kape. Ge, Ituloy na natin..
At syempre kung merong mga "Hints", mayroon ding mga dahilan kung bakit na-Friendzone ka pre!
(galing pa din ito sa blogger na hindi ko alam ang pangalan, balita ko siya daw si wickedtitania. Nakakatakot.)
1. May mga babae na hindi nakikita kay friend na boy yung sinasabing potential para tawaging boyfriend.
- Kung baga sa exam, kulang pa sa review. Kung baga sa mga proposal, kailangan pang irevise.
May mga babae kasi na talagang may hinahanap lang sa isang lalaki, tapos pag nahanap na yun dun na sila magiging masaya. Ewan ko lang kung ano nga bang hinahanap ng mga babae na yan.
2. Nakikitaan ng babae yung lalaki ng pag-aalinlangan.
- sabi ni wickedtitania, Alinlangan in the sense na mahal ba niya talaga ko o isasama lang ako sa collection niya. Trip trip kung baga.
Eh kasi nga naman sa panahon ngayon mahirap maniwala sa kung kani-kaninong lalaki lamang.
mas maganda na 'yong sureball, yung sigurado, yung sakto.
3. Parang ang lalaki at babae ay kaparehas ng pole magnet.
- Pole magnet. Hindi ko alam kung ano yun eh. Pero tingin ko ito yung magnet na kapag pinagtapat mo eh hindi talaga magdidikit o magtatagpo. Yun ang sa tingin ko ha.
Meron pa nga akong nabasa sa ibang blog eh ang sabi: "mga babaeng paasa."
Hindi ko alam kung totoo nga ba o hindi. Kasi nga naman hindi ba't ....
Ah basta. Mahirap magpaliwanag.
Sabi nila mahirap daw ma-friendzone kasi unang una alam na alam mong kaibigan lang ang tingin niya sa'yo, Masakit daw kapag nagkukwento ka tungkol sa lalaki/babaeng mahal mo. Masakit kapag iniiyakan mo yung mahal mo at sa kanya ka pa mismo umiiyak. Sabi nila parang masarap daw gulpihin yung mga ganong lalaki. Hahaha ! natawa lang ako.
Eto daw yung quote na talagang saktong sakto sa word na FRIENDZONE.
Parang nakakatakot at parang ang sakit kapag narinig mo yan sa isang kaibigan na umasa sa wala diba? Tapos pagkatapos mong marinig yan, wala na friendship is over na "Strangers again" ang drama.
Kaya payo ko sa mga lapitin ng friendzone at sa mga nakikiuso sa friendzone at sa mga may balak mang friendzone:
UTANG NA LOOB NAMAN!!
NAKA ALL CAPS NA PARA DAMANG DAMA NIYO PA!
Biro lamang. Seryosong bagay 'to. Hehe.
Una, Hindi lahat ng nararamdaman natin pagmamahal. Oo, tumibok ang puso mo, ano? pagmamahal na ba yan? e malay mo nerbyos lang yan, o kaya heartburn diba?
Yung mga nararamdaman natin kasi pwedeng crush lang o infatuation lang. Syempre hintay hintay din pag may time, Kaibigan mo lang mahal mo na agad. At hindi porket nagpakita siya sa'yo ng kabutihan, ng concern, ng sweetness at kung anu-ano pa, hindi ibig sabihin nun mahal ka niya. May mga taong sadya lang talagang maaalahanin, mabait, sweet. At may mga tao rin nagtitrip lang. Malay mo trip lang niyang maging sweet sa'yo. Ikalawa. 'Pag sinabing kaibigan, kaibigan lang. Kaya nga sinabing kaibigan eh F-R-I-E-N-D-S lang.
Kaya ka nafi-friendzone eh, masyado kang assuming.
May mga lalaking mapagsamantala, at ganun din sa mga babae (sorry sa term ko, wala kong maisip na ibang term eh.)
Yung mga babae kasi naghahanap lang ng comfort zone nila yan.. at dahil ikaw ang dakilang kaibigan na laging nagbibigay ng oras at atensyon sa kanya. Ikaw na! Ikaw na ang comfort Friendzone niya.
Huwag kang magpapadala sa lahat ng sinasabi at pinaparamdam ng isang tao. Lalo na't hindi mo alam kung ano ka ba para sa kanya.
Ikatlo. Huwag maniwala sa ibinubulong ng puso. Hindi lahat ng sinasabi ng puso totoo, Heart is a deceiver. Tandaan niyo yan. pero kung mahal mo talaga siya, edi mahalin mo .. Nang walang hinihinging kapalit. A true love is an unconditional love. Hintayin mong magbigay din siya ng pagmamahal na hinahanap mo. Pero kung wala pa rin. HUWAG KANG TANGA.
Sabi nga ni Kuya Roger sa film niya may line dun " Hayaan mo 'kong mahalin ka hanggang sa makalimutan kita." Huwag mong hayaang ikulong yung puso mo dun sa taong di ka kayang mahalin katulad ng pagmamahal na binibigay mo sa kanya. Okay??
Ikaapat. Move on - Move on din pre pag may time. Hindi lang siya ang makikilala mo sa mundong ito. Malay mo kayo pala ni Anne Curtis ang nakatadhana. O malay mo si Coco Martin pala yung nilaan ni Lord para sa'yo. Talo ka pa ba dun? Ang akin lang naman eh, Hwag masyadong magbigay ng pagmamahal. May tao pang mas magmamahal sayo. Mas magbibigay sa'yo ng panahon, oras at atensyon. Yung ituturing kang espesyal.
Sa ngayon di ko alam kung nakatulong ba ako o nakagulo. Gusto ko lang bawasan yung nakatambay dito sa katiting kong utak eh. haha :)
Pero nananalangin pa rin ako na sana nga nakatulong ako sa iba sa inyo. At salamat kung ganon ..
Enjoyin lang ang buhay, Maiksi lang yan para magmukmok at umiyak. Tanggapin mo na lang lahat ng nangyayari. Kasi minsan lang yan eh. :)
Bilang pamamaalam, ako'y mag.iiwan sa inyo ng isang short film na hindi nanggaling sa akin.
Pero may kinalaman, Malaki ang kinalaman sa ating paksa.
Nandito na naman ako dahil wala na namang magawa sa opisina.
Type ng Type ng type ng type.. Hehehe!
Napaisip lang ako bigla, kasi ngayong panahon ng tag-ulan, marami ang binabaha.
Marami ang walang tirahan na nababasa, maraming walang makain, Marami ang giniginaw.
Pero siguro ang pinakamarami kapag umuulan eh yung mga taong nag.iisip.
Bakit nga kaya mas may panahong mag.isip yung ibang tao kapag umuulan?
Kasi malamig?? kasi... gising ang utak nila? ewan ko rin..
kasi ako kapag umuulan napapaisip din ako. Haha!
Sabi nga ng mga bata eh, kaya daw umuulan kasi umiiyak ang langit.
Ibig sabihin malungkot daw. Pambihira buti pa yung langit wagas makaluha eh.
pero ano nga kaya yung mga iniisip ng tao kapag umuulan?
Pera? Kaibigan? Lovelife? pwede diba?
Isang beses nga pauwi ako noon galing trabaho, sobrang lakas ng ulan,
Yung tipong nakapayong at kapote ka na eh mababasa ka pa din.
May isang lalaki, nasa silungan lang siya. Nagpapatila ng ulan. Pero sobrang lungkot niya.
Ewan ko kung bakit, alangan naman kung tatanungin ko diba?
Inisip ko bakit kaya ang lungkot ng buhay niya? Nabasted kaya siya? o hindi siya nanalo sa lotto? O namatay kaya yung ipis nila sa bahay? I don't know.
Pero may mga pagkakataon kasi na iniisip ko sa tingin ko nababasa ko yung mga iniisip ng tao lalo na kapag nakatingin ako sa mga mata nila. Pero hindi ako sigurado, feeling ko lang yon.
Tinitignan ko yung mata niya, talagang napakalungkot, gusto ko sanang tanungin kung ano yung problema niya, kaya lang umalis na siya.
So yun, ako naman yung nag'isip. Haha :)
Di ba, Hindi lang kaming dalawa yung nag.iisip nong panahon na 'yon.. :))