Sunday, February 5, 2017

Sa gitna ng paalam.

Wala naman sigurong masama kung naiisip kita paminsan minsan. Yung paminsan minsang pinagsamahan natin ng nakalipas na anim na taon. Kung pano mo kinalimutan at tinalikuran ang lahat, Kung pano mo napaniwalang ako lang ang kailangan mo sa buhay mo. Sa isang iglap nagbago lahat, nagbago ka, nanlamig, nawalan ng gana, nawalang ng buhay yung matagal nating iningatan. Nawala ng dahil sa isang sugat. Sugat na tiniis ko ng mahabang panahon.

Wala eh.Mahal kita eh, minahal kita. Minahal kita ng akala ko wala nang ibang darating na tao sa buhay ko.

Tinuring kita na akala ko ikaw na ang makakasama ko hanggang pumuti na ang mga buhok at humina na ang mga tuhod ko. 

Pero nagkamali ako. Nagkamali ako. Pero teka, sino nga ba satin ang nagkamali?

Sino ba satin ang tumalikod nung minsang hindi tayo magkasundo sa isang bagay dahil kailangan nating magdesisyon? Sino ba yung kusang bumitaw ng mga panahon na 'yon?

Oo nga pala. Ako nga pala yun. Ako nga pala yung sinabi mong nang-iwan dahil sa mga "pangarap nya".  Pero sana tinanong mo sakin kung yung pangarap ko ba talaga yung pinaglalaban ko.

kasi ipaliwanag ko man o hindi, hindi ka rin makikinig. Sarado ang puso't isip mo para pakinggan ako, dahil ang gusto mo lang marinig ay ang mga gusto mo at pabor sayo.
Mahirap nga ang sitwasyon noon, pero gaya nga ng usong salita ngayon "ako nalang  mag-aadjust para sayo." 
Sa kagustuhan kong makasama ka. Sa kagustuhan kong makita ka man lang. Kala ko kasi kakayanin ko ng ganun lang eh. Ang hirap pala. Ang hirap pala nung ako lang yung kumikilos para sa ting dalawa.
Isang taon na din ang lumipas. Marami nang nagbago. Mula nung araw na nawala ka sa akin, at nawala ako sayo, marami nang nagbago. Hindi ko alam kung ilang beses na natin sinabing paalam, pero hindi ko alam kung ilang beses pa rin akong kumakapit sa mga salitang "babalik ka" Pero hanggang pag asa na lang pala ang kaya kong magawa.

Pero siguro ngayon kaya mo naman na wala na ako sa buhay mo. Siguro masaya ka na sa kanya. Siguro hindi mo na ako maalala. Ang hirap pala.

Pero wag kang mag-alala masasanay din ako, magiging masaya din ako. May magmamahal din siguro sakin ng higit sa pagmamahal na naibigay mo. At sisiguraduhin kong mamahalin ko din sya ngunit hindi na gaya ng pagmamahal ko sayo.

Sa anim na taon kong pagmamahal sayo, Maraming salamat sa mga alala. At sa puso ko, wag kang mag alala, lalaya ka na..

( Found this old note in my old notebook. Lol, ngayon parang nginingitian mo nalang ang lahat.)

Friday, April 25, 2014

Reality.




Sobrang daming realizations ng buhay.. Hindi pala lahat pwedeng pangarapin, or pwedeng i assume.. Hindi pwede.. kasi there are some instances na kahit mo kagusto ang isang bagay o ang isang tao, minsan hindi pwede eh.. Hindi pwedeng abutin? Hindi pwedeng makuha.. Pero minsan din eh no, makita mo lang masaya ka na.. Bakit? Kasi hanggang dun lang yung kaya eh. Hindi na pwedeng mapush o ipilit.. Kaya nakukuntento na sa ganon. Okay na sa tingin lang..

Friday, June 28, 2013

Happy birthday :))

Isa lang akong tagahanga na gustong magbigay ng mensahe para sa idol kong pogi.
Maligayang kaarawan sa'yo, Sobra mo 'kong nainspire sa mga videos, sa mga posts mo sa tumblr at sa page niyo.. Malaking ngiti rin yung nabahagi mo hindi lang sakin kundi sa ibang nakakaappreciate ng mga videos mo. Hindi ko alam kung san banda dun pero it's something that touches my heart Hihihi..
Basta nakakaaliw lahat ng videos mo..
Hindi matatawag na corny, Hindi rin OA. :)
Ang galing mo para sa'kin ikaw ang da'best, ikaw ang pogi !
Thumbs up ako sa'yo Bro.

Continue to inspire other people :))
Sana makilala kita personally, kahit hindi na makita lang kita okay na :P hihihi..




Wala akong maisip.

Kahit sabihin kong wala, alam kong mayroon. Nasanay lang akong feeling ko wala akong iniisip...




That feeling.. <3

Monday, June 24, 2013

Feeling?

Pag medyo natanga 'ko ng kaunti....



Pag nakita 'ko yung crush ko na nag-smile:



Kapag may feelingerang pumapapel.: 


Pag naiisip ang crush bago matulog:


Pag ayaw kong maniwala sa sinasabi ng mga kaibigan ko. hahaha :D 


Pag tinitigann ni crush:



Nung kinawayan ako ng crush ko: 



Itsura ko hanggang pag.uwi. haha :D



E may gelpren pala si crush :


Crush: Paghanga

Masyadong nakakahayskul ang topic ko ngayon. Beware ^_________^
Crush.
 Big word. Let's talk about Crush. Hehehe.
Ano nga ba ang salitang crush? 
- Sa pagkakaalam ko kasi ang crush eh paghanga. Hanggang ngayon pinaniniwalaan ko pa rin yang Crush is Paghanga na 'yan. Haha. Infatuation maybe. Ito kasi yung madalas na napapagkamalan ng tao na pagmamahal especially yung mga Teenagers at Feeling-teenagers.
Hindi naman masama ang pagkakaroon ng crush eh. Kaya nga di ba minsan may mga magulang na nagsasabi na okay lang na magcrush-crush ka pero wag kang magpapaligaw? Madalas naririnig ko 'to sa mga nanay na may anak na highschool student eh. Kahit nung high school ako naririnig ko lagi sa nanay ko yan eh. Minsan nga kapag nakakasalubong mo yung dating crush mo naaalala mo pa yung mga panahong nagkukulay kamatis ka na lalo na kapag panay ang tukso ng mga kaklase mo sa inyo.

Minsan ang awkward lalo na kapag nagkatapat kayo sa pila sa flag ceremony, Mas lalo kapag magkatabi kayo sa upuan. At mas lalong awkward pag alam ng buong klase niyo na may gusto ka sa kanya. Nangyari na sa kin yun noong hayskul pa 'ko. At yun ang pinaka nakakahiyang nangyari sa buhay ko.

Kadalasan nagkakacrush tayo sa mga tao na may pisikal na attraction. Yung talaga namang may likas na kagwapuhan.. Yung mga lamang ng ilang ligo sa normal nating kaklase. Meron din naman sa mga sobrang pagandang babae. Kilala dahil maganda, dahil matalino.. Beauty and brains. Minsan akong nainggit sa mga kakilala ko na ganyan eh. Nasabi ko pa nga sa sarili ko "Bakit sila ang gaganda, Ba't ako hindi., Naaaaaaaaaaay! Bakkeeeeeeeet!!".



Eto bago tayo tumuloy sa sumusunod na paksa magbabahagi lang ako ng buhay crush ko noong nag-aaral pa lang ako.
Noong hayskul ako may isang taong nakakuha ng atensyon ko, Si Cristian. Simple lang siya, hindi siya masyadong pansinin, matalino pero tahimik. Mula nung 1st year highschool ako hanggang matapos akong makagraduate ng hayskul gustong gusto ko talaga siya. Naisip ko pa nga noon mahal ko na siguro 'tong tao na 'to. DUH! di kayo close pero mahal mo?
Ewan ko pero naisip ko lang talaga 'yon. Ang weird nga  kasi tuwing Balentayms day gumagawa ako ng love letter para sa kanya. Take note. Taun- taon ko siya ginagawan non, Pero anong nangyari? Nga-nga? Siguro hindi niya talaga ako gusto. Hehe. Nakakahiya nga noon kasi karamihan sa batch namin alam na crush ko siya. Yung tipong hindi ko siya malalapitan talaga dahil pag ginawa ko yun eh kakantiyawan lang kami. Kaya 'yon.  Isang beses may nakita akong nagkakalat na bag sa hagdanan ng building namin. Hindi ko alam kung sino may-ari. pero nung tinignan ko yung notebuk.....HINDI SIYAAAA! kaklase niya. At dahil mabait pa ako nung panahon na 'yon, nagbalak akong isauli yun sa klase nila at dahil kabisado ko schedule nila alam ko kung saan sila makikita. :) masyado akong genius noon. hehe.  At ayun, nandun sila sa stage. Nagkaklase, pinauna ko yung kaklase ko na kausapin yung titser kasi alam ko na yung mga mangyayari nun. Kaya lang ang nangyari naiwan sa'kin yung bag ng may-ari at wala na nga akong nagawa kundi ang lumapit. Naglalakad pa lang ako papalapit naghihiyawan na yung mga kaklase niya, kaya ginawa ko hindi ko talaga sila tinignan.  Sobrang nakakahiya, pero sa kabilang banda, masaya kasi kahit pano nakatulong na 'ko nakita ko pa siya. 

Sa loob ng apat na taon na nagkagusto ako sa kanya, hindi ko man lang naramdaman na gusto rin niya 'ko. Ewan ko , siguro pangit ako talaga noong panahon na 'yon. hahaha! Pero ang mahalaga doon ginawa ko siyang inspirasyon para magsipag sa pag-aaral. Sinabi ko pa noon "Kung di niya ko gusto edi wag." Crush mo lang siya at hindi na kailangan sabihin mo na sana crush ka din niya, Kahit nag-expect ako noon. 

Hindi naman kasi porket gusto mo na ang isang tao mahal mo na. Tandaan mga kapatid, iba ang CRUSH sa PAGMAMAHAL. marami akong nababasa kung saan may mga taong napapagkamalan ang crush na love. Crushin ko kaya utak mo tas hulog ko sa butas ng Lovabo? Labo mo 'dre eh!
Para sa'kin ang salitang crush, Yun yung tipo na may magugustuhan kang bagay sa isang tao, (e.g.) Ang ganda ng mata niya, ang tangos ng ilong niya, Ang ganda ng ngiti niya kapag nagtoothbrush....etc..

Ang Crush kasi mga kapatid simpleng paghanga lang yan sa isang tao kung saan nakakita ka ng kaaya-aya sa kanya. Kaya maraming magboypren/gerlpren ang naghihiwalay ngayon eh. Isang buwan pa lang magkarelasyon naghiwalay na. Eh pano ba naman sila mismo hindi sigurado sa mga nararamdaman nila.. Lalo na yang mga teenager. (Hindi po ako galit sa teenager).


Ang pagkakacrush kasi mga kapatid may limitasyon din. Hindi ko alam kung paano niyo ba tinatrato yung crush ninyo as crush. Kasi may mga iba na akala nila mahal na nila yung crush nila. Kaya umuuwi silang luhaan, talo, waley, nganga.

Pero para sakin, sige magpakabaliw ka kay crush. Pero kapag wala na siya sa paningin ko wala na rin yung feeling ko. Hehehe!

Bakit nga ba tayo nagkakacrush?


Marami. Napakaraming dahilan. Alam ko naman  na alam ninyo ang sagot dyan eh :)

Eh pano mo nga ba sasabihin kay crush na crush mo siya?


Kanya- kanyang diskarte mga pare. May mga iba na diretso, straight to the point.


(e.g.)
Boy: Alam mo crush kita.

Girl: Ah ok.. ( awkward silence)
...

Minsan kasi mga bro dapat alam din natin yung salitang timing. Kasi para naman mas makapag handa ng sasabihin yung crush mo. haha !


(Next)

Boy: Yieee oy, yung crush mo oh, kinikilig na yan!
Girl: Letse!!

....
May mga lalaking ganyan ang ugali.  Yung ang hilig itulak yung gusto nila sa taong ikaw naman ang gusto haha. Nakakaimbyerna lang kasi nangyari na sa akin yang ganyan eh. Mapipikon ka lang talaga kapag pinansin mo.


(Next) 

Boy: Ganda mo idol! Crush kita! Joke! hahaha :D
Girl: Ewan ko sa'yo labo mo!

Eto naman yung mga medyo natotorpe kasi baka hindi sila type ng crush nila.. Pero yung mga babae deep inside kilig na kilig yan lalo na pag crush nila ang nagsabi.


Paano nga ba mapansin ni crush?
Hindi ko sigurado kung mapapansin ka nga ng crush mo dito pero ganito ginawa ko:

The best greetings. Lagi mo babatiin si crush mo, kahit minsan di ka nya pinapansin kasi darating at darating yung time na papansinin ka niya. hahaha.


The suplada/suplado effect. Sabi kasi ng nanay ko kapag nagsusuplada ka raw o nagsusuplado mas nagkakaron ng chance na macurious sa'yo ang isang tao. Kung sa bagay tama nga naman. Kasi isang beses kinausap ako ng crush ko, alam niyo ba ang sabi niya. Nakakatakot daw ako kausapin kasi baka daw kapag kinausap ako sungitan ko lang. hahaha ! Advantage yun mga kaibigan. Ibig sabihin gusto ka niyang kausapin kaya lang natatakot siya. haha :)

Impress him/her. Ipakita mo sa kanya kung san ka magaling. Malay mo dun siya ma-attract at hindi sa'yo. haha.



Asar.  Eto yung ginagamit ng karamihan ngayon eh, ang lalakas mang-asar. Bakit? Syempre sino ba naman may gustong inaasar siya wala diba. kaya 'yon kapag nang-aasar ang isang tao, wala naman magagawa 'tong nagugustuhan kundi pansinin.


Pero sa totoo lang di mo naman talaga kailangan ng ganitong bagay eh.
maging totoo ka lang sa sarili mo, Be the best of yourself. Tatanggapin ka ng taong gusto mo at mapapansin ka niya kahit hindi ka magpapansin. Be confident and trust yourself. K.?




Yung feeling na nginitian ka ng crush mo: 


KILIG LEVEL: 100000000000000000000X!




Friday, June 21, 2013

Paalam.

Di ko alam kung bakit bigla ko na lang naisip yung title nito. Ang mahalaga may title. Hehehe.
Naisip ko lang ulit.. ( mahilig talaga ako mag-isip ), Bakit kaya sa dalawang taong nagmamahalan kailangan may isang nagpapaalam? Hindi ko naman nilalahat, yung mga naghihiwalay lang okay?
Ibig kong sabihin, bakit nga ba minsan humahantong sa hiwalayan ang lahat?


Meron akong mga alam na dahilan at ang ilan sa mga ito ay:

Di pagkakaintindihan. Kadalasan sa mga magkasintahan kasi hindi magkaintindihan. Yung tipong nag-aaway na nga nagsusumbatan pa. Kung pwede nga lang silang dalawa magsuntukan eh ginawa na nila.
Mahirap kapag may karelasyon kang hindi marunong umintindi/umunawa. Napakahirap. Sa isang relasyon naman kasi dapat talagang buo ang tiwala niyo sa isa't - isa, Unless, hindi mo talaga siya mahal.

Pride.  Pride Chicken. Ito yung pritong manok diba? Sa sobrang hilig ng magkarelasyon kakakain ng pride chicken, inaapply na rin nila sa ugali nila. Sana kung ma-pride yung isa sana unawain na lang ng isa di ba?
Mahirap kasi yung nasa isang relasyon ka tapos nagpapataasan kayo ng pride. Walang mangyayari sa buhay niyo, sinasabi ko sa inyo.

Selos.  Natural lang sa tao yung magselos pero kung yung pagseselos mo eh sobra na, aba! kakaltukan na kita. Hindi maganda sa isang relasyon yung nagseselos. Love is all about TRUST. Paano magkakaroon ng magandang outcome yung relasyon ninyo kung hindi niyo lang rin naman kayang pagtiwalaan ang isa't isa. Kung yung isa eh lalabas lang para magtrabaho pero ang takbo ng isip mo magkikita sila ng babae niya kahit wala naman. Wew! Lupet mo pre! Ikaw na! Pero may mga nagsasabi na kung sino pa daw yung sobrang maghinala yung pa daw yung may ginagawa. Ewan ko, pero tingin ko hindi naman ganun yun. Nasa tao pa rin yon.
 Third party. Sa lahat ng party, ito naman yung nakakagigil. eto yung party na parang masarap manggulpi.
Bakit nga kasi may mga tao na may karelasyon na nga, mahilig pang sumali. Ang pagiging magkasintahan hanggang dalawa lang yan, isang babae at lalaki, lalaki at babae, pero minsan may mga bakla at lalake, tomboy at babae, sana meron ding bakla at tomboy. Hehe. Tandaan. ang pag-ibig ay sagradong bagay. Walang joke-joke. Minsan yung mga third party pa yung makakapal yung mukha. Lakas trip lang di ba?
Sila na yung nang- agaw sila pa yung malakas yung loob. Pero sana wag na nating gawin yun. Si Lord naman kasi may nilaan talaga siya para sa'yo, kaibigan, wag kang magmadali kasi kaya hindi pa niya binibigay sa'yo yun dahil alam niyang hindi ka pa handa. Hoookey???


Pagod. Simpleng salita. Pagod.. hindi naman mawawala sa isang relasyon yung trabaho, responsibilidad. At ikaw, dahil nagmamahal ka, o dahil mahal mo siya kailangang panindigan mo lahat ng salitang binitiwan mo sa kanya. Magkaroon ka ng isang salita. Kasi kapag puro ka na lang pangako at dumating na ang panahon na nagsasawa na siya sa mga pangako mong walang natupad kahit isa, bibitaw yan. Kahit gaano ka pa niya kamahal. Hindi lang sa pagtatrabaho napapagod ang tao. Sa pag-ibig din.

Mga anak ng Meant to be. Eto naman yung mga taong mahal ang isa't isa pero mukhang hindi sila ang nilaan para sa isa't isa. Gets niyo ba ko? hehe. Ewan ko huh, pero may mga ganito talagang magkasintahan. Nakakatanga lang 'no kasi alam nilang may nararamdaman sila para sa isa't isa pero hindi pwede. bakit? Hindi ko rin alam, Pwedeng mag kamag- anak sila (e.g, magpinsan, mag-ama , maglola)  yung mga ganung bagay. o kaya naman kaya hindi kayo pwede kasi ex mo yung bestfriend niya at may usapan sila na hindi kayo mag.gegerlpren ng iisang babae. ( A crazy little thing called headache) o kaya naman kaya hindi pwede kasi 40 years ang agwat ninyo? May ganun ba? o kaya naman anak siya ng tatay mo sa labas na hindi pinapasok. Basta marami pang dahilan. Pero kung tutuusin kung tadhana na ang naglalayo sa inyo, bakit hindi na lang kayo sumabay sa agos ng buhay? May mas mabuti at mas karapat-dapat pa na taong nakalaan para sa iyo.


Mga kaibigan, kakulangot at kasipon, lagi po nating tatandaan na ang pag-ibig ay hindi basta basta.
Hindi ito  yung bagay na napakadaling gawin para sa atin.



Magandang umaga po sa inyo :))
at dahil maganda ang umaga ngayon, magbabahagi ako ng isang napakapalpak na video cover na pinamagatang PAALAM. Pasensya na sa boses at itsura ko. Mahal ang suklay dito eh.