Sunday, February 5, 2017

Sa gitna ng paalam.

Wala naman sigurong masama kung naiisip kita paminsan minsan. Yung paminsan minsang pinagsamahan natin ng nakalipas na anim na taon. Kung pano mo kinalimutan at tinalikuran ang lahat, Kung pano mo napaniwalang ako lang ang kailangan mo sa buhay mo. Sa isang iglap nagbago lahat, nagbago ka, nanlamig, nawalan ng gana, nawalang ng buhay yung matagal nating iningatan. Nawala ng dahil sa isang sugat. Sugat na tiniis ko ng mahabang panahon.

Wala eh.Mahal kita eh, minahal kita. Minahal kita ng akala ko wala nang ibang darating na tao sa buhay ko.

Tinuring kita na akala ko ikaw na ang makakasama ko hanggang pumuti na ang mga buhok at humina na ang mga tuhod ko. 

Pero nagkamali ako. Nagkamali ako. Pero teka, sino nga ba satin ang nagkamali?

Sino ba satin ang tumalikod nung minsang hindi tayo magkasundo sa isang bagay dahil kailangan nating magdesisyon? Sino ba yung kusang bumitaw ng mga panahon na 'yon?

Oo nga pala. Ako nga pala yun. Ako nga pala yung sinabi mong nang-iwan dahil sa mga "pangarap nya".  Pero sana tinanong mo sakin kung yung pangarap ko ba talaga yung pinaglalaban ko.

kasi ipaliwanag ko man o hindi, hindi ka rin makikinig. Sarado ang puso't isip mo para pakinggan ako, dahil ang gusto mo lang marinig ay ang mga gusto mo at pabor sayo.
Mahirap nga ang sitwasyon noon, pero gaya nga ng usong salita ngayon "ako nalang  mag-aadjust para sayo." 
Sa kagustuhan kong makasama ka. Sa kagustuhan kong makita ka man lang. Kala ko kasi kakayanin ko ng ganun lang eh. Ang hirap pala. Ang hirap pala nung ako lang yung kumikilos para sa ting dalawa.
Isang taon na din ang lumipas. Marami nang nagbago. Mula nung araw na nawala ka sa akin, at nawala ako sayo, marami nang nagbago. Hindi ko alam kung ilang beses na natin sinabing paalam, pero hindi ko alam kung ilang beses pa rin akong kumakapit sa mga salitang "babalik ka" Pero hanggang pag asa na lang pala ang kaya kong magawa.

Pero siguro ngayon kaya mo naman na wala na ako sa buhay mo. Siguro masaya ka na sa kanya. Siguro hindi mo na ako maalala. Ang hirap pala.

Pero wag kang mag-alala masasanay din ako, magiging masaya din ako. May magmamahal din siguro sakin ng higit sa pagmamahal na naibigay mo. At sisiguraduhin kong mamahalin ko din sya ngunit hindi na gaya ng pagmamahal ko sayo.

Sa anim na taon kong pagmamahal sayo, Maraming salamat sa mga alala. At sa puso ko, wag kang mag alala, lalaya ka na..

( Found this old note in my old notebook. Lol, ngayon parang nginingitian mo nalang ang lahat.)

No comments:

Post a Comment