Wednesday, January 30, 2013

Happiness is attitude/Happiness is relationship.

Reasons kung bakit nagiging unhappy ang isang tao:

Needless involvement in the lives of others.
Hindi daw talaga tayo sasaya kung lagi nalang natin iinvolve yung sarili natin sa ibang tao.
Yung tipong lahat na lang ng nangyayari sa buhay nya kailangan updated ka, kailangan ikukwento 
niya, kailangan kasali ka.. mali pala yun hindi pala dapat ganun kasi it only leads to unhappiness.
Kaya nga "needless" diba, kasi hindi naman kailangan.


Sentimentalism.
Hindi rin maganda yung sobrang emosyonal at laging iniinda bawat lungkot, bawat maysakit
bawat namatay, bawat nawalan ng pera, bawat hindi pagpansin sa'yo etc. 
Sabi sa ECLESSIASTES  11:8, " However many years a man may live, let him enjoy them all. Let him remember the days of darkness, for they will be many."  Na ang gusto lang iparating ay dapat kapag may chance kang sumaya , grab it!  Kasi darating talaga yung panahon na malulungkot ka. Kaya kapag kaya mong tumawa, tumawa ka! Masyado daw maikli ang buhay para magmukmok ka..

Oversensitivity.
Oo, sensitive akong tao, pero pinipilit kong magbago para kay Lord. Sino ba namang gugustuhin na habang buhay para kang nana na masagi lang ng kaunti OA na. Be a better person.
EPHESIANS 6:10 stated:   "Finally be strong in the Lord and in His mighty power"

Overdependence on others.
Nakakainis isipin na sa pagiging overdependent mo sa isang tao darating ka sa point na hindi mo na makayang wala siya.Nakakainis na sa sobrang pag - asa mo sa isang tao, ikaw yung nahihirapan. Sabi nga sa libro , "Relationships can add happiness in to a person's life, but everyone must seek and find happiness from God by himself."
Hindi naman buong buhay mo iiikot mo lang sa iisang tao..Hindi dapat ganun.

No comments:

Post a Comment